Wala pang hawak na advisory ang Malacañang kaugnay sa ginawa ng China na isinama ang Pilipinas sa kanilang blacklist of tourist destinations.
Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Office of the Press Secretary OIC Usec. Cheloy Garafil na ayaw niyang mag-speculate kaya hihintayin nila ang advisory kaugnay rito.
Giit pa ni Garafil na hindi siya nagkokomento sa isang usapin na hindi pa nakukumpirma ng Malacañang.
Una nang kinumpirma ni Senate President Miguel Zubiri na isinama na ng China ang Pilipinas sa kanilang blacklist of tourist destination dahil sa isyu sa POGO industry sa bansa na malimit nasasangkot sa kidnapping.
Facebook Comments