Malacañang, bababa sa iba’t ibang lugar sa bansa para na ihatid ang ayuda sa mga apektado ng El Niño

“Ang Malacañang ang pupunta sa mamamayan.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa distribusyon ng ayuda para sa mga apektado ng El Niño.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi na kailangan pang dumulog ng mga lokal na pamahalaan sa national government dahil ang Malacañang na mismo ang pupunta sa bawat rehiyon sa bansa.


Pagtitiyak ng Pangulo, walang rehiyon o lalawigan sa bansa ang maiiwan sa pag-unlad at lahat ng lugar ay matatamasa ang tulong na ipinagkakaloob ng gobyerno.

Noong nakaraang linggo ay personal na nagtungo si Pangulong Marcos sa Zamboanga Peninsula para ipamahagi ang nasa ₱60 million na halaga ng ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa rehiyon.

Habang nag-abot din ng kabuang ₱50 million na tulong pinansyal ang Pangulo sa agricultural sector ng Sultan Kudarat at Cotabato.

Facebook Comments