Malacañang, binanatan ang mga kritiko ng pamahalaan na ‘gahaman sa kapangyarihan’

191

Pinasaringan ng Malacañang ang mga kritiko ng COVID-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mga sakim sa kapangyarihan ang mga palaging pumumuna sa ginagawang pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

Dagdag pa ni Roque, wala ng ibang magandang sasabihin ang mga kritiko dahil nais nilang pabagsakin ang administrasyon at nais makabalik sa kapangyarihan.

Binigyang-diin ni Roque ang mababang fatality rate ng bansa at humuhusay na testing capacity.

Bago ito, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na huwag maniwala sa mga kritisismong ibinabato ng oposisyon.

Facebook Comments