Malacañang, binigyan ng 85% na grado ang COVID-19 testing policy ng bansa

Binigyan ng 85% na grado ng Malakanyang ang COVID-19 testing policy ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maituturing ang Pilipinas na “best in Asia” pagdating sa testing policy.

Sa katunayan aniya ay nakapagsuri na ang bansa ng 2.92 million indibidwal.


Sinabi rin ni Roque na sa pamamagitan ng polisiya ng bansa gaya ng lockdown ay naiwasan na mahawaan ang 3.5 milyong katao mula sa impeksyon batay sa pagtaya ng mga eksperto.

Aniya, ang COVID-19 mortality rate ng bansa ay 1.7% lamang at ang health care system ay hindi naungusan ng Coronavirus cases.

Maliban dito, napakahusay rin ng contact tracing efforts ng bansa.

“We clearly have the best testing policy in the whole of Asia and probably in the whole world because we have exceeded three million and as a percentage of total population, ano na po iyan, lubus-lubusan na po iyan doon sa sinasabi nilang 3% na dapat na ma-test ang population at patuloy pa po tayo ‘no. So, dadami po tayo and I think we will have the highest number of testing, one of the highest in the whole world.  So, that’s clearly, our biggest strength.” – ani Roque.

Facebook Comments