
Binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang Kalayaan Grounds ng Malacañang para sa pagdiriwang ng kaniyang ika-68 kaarawan bukas, September 13.
Libreng makakakuha ng pagkain dito ang mga dumalo, kung saan karamihan ng nagpunta ay mga senior citizen at kabataan.
Hindi raw nagbabago ang birthday wish ni Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa pangulo, mula noon hanggang ngayon, ang nais niya ay magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Pilipino.
Kasama rito ang pagpapatuloy ng mga proyekto ng pamahalaan na tutulong lalo na sa mga mahihirap.
Desidido rin daw syang abutin ang kanyang pangarap na matuldukan ang kagutuman sa bansa.
Facebook Comments









