
Handang makipag-usap ang Malacañang sa mga opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para maresolba ang biglaang suspensyon sa decommissioning o pagtatanggal ng armas sa kanilang mga miyembrong nagbabalik na sa komunidad.
Kasunod ito ng inilabas na resolusyon ni MILF chairperson Al Haj Murad Ebrahim, kung saan nakasaad na walang kahit isang miyembro ng kanilang pangkat ang sumailalim sa transition o nagkaroon ng produktibong pamumuhay.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bukas ang Palasyo na maglabas ng ulat kaugnay ng mga ginawa ng gobyerno para sa maayos na panunumbalik sa komunidad ng mga MILF combatants.
May inalaan din aniyang higit ₱400 billion na pondo ang gobyerno para sa socio-economic programs ng mga MILF combatants, kung saan bawat isa ay nakatanggap ng ₱100,000 cash assistance.
Kailangan lamang ng mas malalimang pag-uusap sa pagitan ng mga lider para mas maging maganda ang sitwasyon ng nakararami, at mga miyembro ng MILF.









