MANILA – Bumuwelta ng Malacañang sa inilabas pastoral letter ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kontra sa mga nangyayaring patayan dahil sa war on drugs ng pamahalaan.Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – mas naging ligtas at mapayapa ang pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan kumpara sa nakalipas na mga panahon.Aniya, mas marami pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang simbahang katolika kaysa sa banatan at batikusin ang pamahalaan.Magugunitang inilarawan ng CBCP sa kanilang kalatas na reign of terror ang mga ginagawang pagbabago ng administrasyon partikular na ang pagsugpo sa iligal na droga.
Facebook Comments