
Nilinaw ng Malacañang na posible pa ring makapaghanda ang mga pamilya ng simpleng noche buena sa halagang ₱500, gaya ng inilalahad ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang usapin ay kung “kaya,” at hindi kung marangya ang handa.
Giit niya, iba ang engrandeng salo-salo kumpara sa praktikal at tipid na noche buena.
Dagdag pa ni Castro, maging ang mga supermarket group ay sumusuporta sa pahayag ng DTI.
Layunin umano ng ahensya na ipakita na nagawan ng paraan na hindi tumaas ang presyo ng ilang pangunahing produkto hanggang sa pagtatapos ng Disyembre.
Ayon pa sa Malacañang, ginawa ito ng DTI para protektahan ang consumers at kahit paano’y mapagaan ang gastos ngayong Pasko.
Facebook Comments









