Hindi dapat magalit ang mga rebeldeng komunista sa mga Local Government Units (LGU) na nagdeklara sa kanila ng persona non-grata dahil walang sinuman ang may gusto sa mga terorista.
Nabatid na higit 1,500 na LGU ang nagdeklara sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang persona non-grata sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga rebelde na ihinto na ang pangugulo at isuko ang kanilang armas at magbalik-loob sa pamahalaan.
Itinanggi rin ni Roque ang alegasyon na na pinipwersa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga LGU na isara ang border nito sa mga rebeldeng komunista.
Dagdag pa ni Roque, ang U.S State Department na mismo ang nagbigay ng brand sa communist rebel group bilang mga terorista.
Ang mga lugar sa Metro Manila na hindi na welcome ang mga communist rebels ay ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Muntinlupa, Navotas, Pasig, Quezon City, San Juan at Valenzuela.