
Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtugon sa kahilingan ni Palestinian Ambassador to the Philippines Mounir Anastas na kumbinsihin ng Pilipinas ang Israel para maresolba ang krisis sa Gaza.
Ayon kay Palace Pres Officer Claire Castro, usapin sa foreign policy pahayag ng Palestinian Ambassador kaya ang DFA ang dapat na sumagot nito.
Ang Israel at Palestine ay hindi magkasundo at matagal ng may digmaan sa Gaza at West Bank dahil sa kagustuhan ng Palestine na magtatag ng sariling independent state subalit sinakop ng Israel ang West Bank at Gaza Strip.
Gayunpaman, sinabi ni Suportado ng Pilipinas ang two-state solution partikular ang pangmatagalan at komprehensibong kapayapaan sa Middle East, alinsunod sa UN Charter at relevant UN Security Council resolutions.
Kaisa ang Pilipinas ng buong mundo sa panawagan para sa mapayapang pagko-coexist ng Palestine at Israel, at pagkilala sa kapwa borders ng isa’t isa.









