
Dumistansya ang Palasyo sa pagkomento sa pagtutulong ng ilang grupo sa pagkakatalaga ni Dave Gomez bilang kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Matatandaan kasing nagpahayag ng pagka-alarma ang ilang civil society groups at health groups, gayundin ang ilang mambabatas sa appointment kay Gomez, dahil sa matagal nitong koneksyon sa tobacco industry.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinauubaya na nila kay PCO Sec. Gomez ang pagsagot sa mga ibinabato sa kaniya.
Hindi rin aniya nila nakikitang makaka-apekto ang mga pahayag na ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Una nang nagpahayag ng kumpiyansa ang PCO sa kakayahan ni Gomez na pamunuan ang tanggapan, dahil sa background nito sa pamamahayag.
Facebook Comments









