Malacañang: Gobyerno ng Pilipinas, nauunawaan ang anumang aksyong ginagawa ngayon ng Israel kasunod ng pag-atake ng Hamas laban sa kanila

Nauunawaan ang bansa ang anumang aksyong ginagawa ngayon ng Israel upang depensahan nito ang kanilang bansa at mamamayan.

Ayon sa Office of the President, tinitingnan nila ang karapatan ng isang estado para maipagtanggol nito ang sarili laban sa external aggression.

Nakasaad at nakasalig ayon sa Office of the President ang hakbang na ito ng Israel sa United Nations Charter.


Inilabas ng Office of the President ang official statement sa harap na rin ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na masiguro ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na ligtas ang mga Pinoy na nasa Israel kasama ang kanilang pamilya.

Nagpaabot na rin ng pakikisimpatiya’t pagdadalamhati ang Pilipinas sa mga taga -Israel na nawalan ng kanilang mahal sa Buhay dahil sa kaguluhan ngayon sa nasabing bansa.

Facebook Comments