
Handa ang Malacañang na humarap sa anumang petisyong ihahain laban sa 2026 national budget.
Pahayag ito ng Palasyo sa planong paghahain ni Caloocan Rep. Edgar Erice ng petisyon sa Korte Suprema, para kwestyunin ang legalidad ng unprogrammed appropriations sa 2026 budget.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, may karapatan ang sinuman na maghain ng petisyon at iginagalang ng Palasyo ang prosesong ito.
Binigyang-diin ni Castro na kumpiyansa ang Malacañang na pasado sa Konstitusyon ang 2026 General Appropriations Act.
Ang pondo aniya ngayong taon ay malinis, maayos, at malinaw na nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.
Facebook Comments









