Malacañang, handa nang makatrabaho si House Speaker Faustino Dy

Iginagalang ng Malacañang ang pagpapalit ng liderato sa Kamara matapos maupo si Speaker Faustino Dy III kapalit ni dating Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kinikilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang papel ng House of Representatives lalo na sa panahong hinihingi ng publiko ang konkretong resulta at mabilis na aksyon mula sa Kongreso.

Kinikilala rin ng Palasyo ang naging kontribusyon ni Romualdez at tiniyak na makikipagtulungan ang administrasyon kay Dy upang isulong ang mga panukalang magpapalakas sa ekonomiya, magbibigay ng pangunahing serbisyo, at magpoprotekta sa demokrasya.

Tiniyak naman ng administrasyon na nanatiling nakatuon ang pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng mambabatas para maituon ang trabaho sa pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.

Facebook Comments