Manila, Philippines – Handa ang Malacañang na padaluhin ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo duterte sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa issue ng redaction sa ilang impormasyon sa kanilang Statement of Assets Liabilities and Net Worth o SALN.
Ito ay matapos na kwestyunin ng Senado ang SALN information ng mga cabinet officials dahil lumalabag umano sila sa transparency provisions ng Saligang Batas.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang mali o iregularidad sa ginawang pag-eedit sa ilang impormasyon sa saln ng mga Gabinete dahil na rin sa pagsasaalang-alang sa kanilang seguridad.
Sa ngayon aniya ay inaabangan na nila ang panuntunan mula sa National Privacy Commission para ma-plantsa ang issue ng redaction sa SALN ng mga Gabinete.