Tuesday, April 7, 2026

Malacañang, handang suportahan ang Bayanihan 3 bilang tugon sa taas-presyo ng langis

Bukas ang Malacañang sa Bayanihan 3 na itinutulak sa Senado at Kamara bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, handa si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang mga hakbang para makatulong sa publiko, pero kailangan munang makita ang buong nilalaman ng panukala.

Umaasa ang Palasyo na agad mabubuo at maipapasa ng Kongreso ang kani-kanilang bersyon ng bill upang mabilis itong masuri at maipatupad kung magiging batas.

Matatandaang inihain na ni Sen. Loren Legarda ang Bayanihan 3 sa Senado, habang sisimulan na sa April 8 ang pagtalakay sa Kamara kasabay ng konsultasyon sa mga eksperto.

Facebook Comments