Manila, Philippines – Hindi pakikialaman ng Palasyo ng Malacañang ang mga nagiging hakbang ni House Speaker Pantaleon Alvarez para isulong ang mga panukalang batas o mga adhikain ng Kamara.
Ito ang reaksyon ng Malacañang matapos ang babala ni Alvarez na tatanggalan ng posisyon sa Kamara ang mga kongresistang hindi boboto pabor sa death Penalty bill at binalaan pa nito ang mga mahistrado ng Korte Suprema na mahaharap sa impeachment kung maglalabas pa ang mga ito ng temporary restraining order kaugnay sa pagtatayo ng MRT–LRT Common station.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hahayaan lang nila si Alvarez na gawin ang mga gusto nitong gawin.
Matatandaan na umani ng batikos si Alvarez matapos balaan ang mga kapwa kongresista at ang mga mahistrado ng Korte Suprema at tinawag itong isang diktador.