Isasapubliko na ng Palasyo ang Malacañang Heritage Tours simula sa Hunyo.
Batay ito sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO).
Ayon pa sa PCO ang Malacañang Heritage Tours ay binubuo ng dalawang museo.
Ito anila ay ang Bahay Ugnayan at Teus Mansion.
Sa Bahay Ugnayan ayon sa PCO ay tampok ang buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula pagkabata, hanggang maging presidente ng Pilipinas.
Habang sa Teus Mansion, inilalahad ang mga pangyayari sa likod ng mga nagdaang pangulo ng bansa at ang kanilang mga legasiya na iniwan para sa sambayanang Pilipino.
Dagdag pa ng PCO, libre ito sa lahat na magsisimula sa ika-1 ng Hunyo mula 9AM hanggang 4PM.
Facebook Comments