Naghamon ngayon ang malacañang na sampahan si pangulong rodrigo duterte ng impeachment case kaugnay ng pagpayag nitong mangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa ang china.
Matatandaang sinabi ni dating DFA Sec. Albert Del Rosario na impeachable offense ang naging pahayag ng Pangulo dahil labag ito sa saligang batas.
Habang tinawag din itong “unconstitutional” ni supreme court senior associate justice antonio carpio.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung nakikita na grounds for impeachment ang naging pronouncement ni Pangulong Duterte malaya naman ang mga ito na magsampa ng kaso.
Gayunman, nanindigan pa rin si Panelo na wala silang nakikitang masama sa sinabi ng pangulo.
Facebook Comments