Friday, January 23, 2026

Malacañang, hinamon si Mike Defensor na patunayang ‘scam’ ang unang impeachment complaint laban kay PBBM

Hinamon ng Malacañang si dating Congressman Mike Defensor na patunayan ang paratang nito na isang scam ang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang basehan ang sinasabi ni Defensor na sangkot umano ang Office of the Solicitor General, ang Kamara, at mismong ang pangulo sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Andre De Jesus.

Nilinaw ni Castro na inamin na mismo ni De Jesus ang kanyang kaugnayan bilang counsel ng PDP-Laban Duterte faction, kaya hindi umano malinaw kung paano iuugnay ang mga nabanggit na tanggapan sa reklamo.

Dagdag pa ng Malacañang, wala itong kinalaman sa alitan sa loob ng grupo at itinuturing lamang ito bilang kanilang personal na iringan.

Muling iginiit ng Palasyo na igagalang nito ang proseso ng Konstitusyon at ang due process kaugnay ng impeachment complaint laban sa pangulo, at nanindigang walang basehan ang mga paratang.

Facebook Comments