Malacañang hindi kakasuhan ang mga personalidad na kasama sa Oust Duterte Plot Matrix

Walang balak ang Palasyo ng Malacañang na sampahan ng anomang kaso ang mga personalidad na makikita na kabilang sa lumabas na Oust Duterte plot matrix.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi kikilos ang Pamahalaan para kasuhan ang mga nasa likod ng planong patalsikin si Pangulong Duterte.

 

Sinabi pa ni Panelo na hindi naman nagmamaterialze o walang actual execution sa oust Duterte plot kaya hindi sila magsasampa ng anomang kaso.


 

Sinabi din ni Panelo na wala nang bago sa lumabas na matrix dahil ang mga personalidad na makikita doon ay ang mga parehong tao na patuloy na naninira kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Matatandaan na sinabi ng Malacanang na galing sa ibang bansa ang intelligence information na naglalaman ngmga personalidad na gustong patalsikin ang Pangulo.

 

Una naring sinabi ng Malacanang na mayroon ding kopya si Pangulong Duterte ng kumakalat na matrix.

Facebook Comments