Malacañang: hindi lahat ng taga-DPWH kasabwat sa anomalya

Nilinaw ng Malacañang na hindi lahat ng opisyal at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay sangkot sa maanomalyang flood control projects na ngayon ay iniimbestigahan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, maingat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibitiw ng pangalan para hindi madamay ang mga inosenteng walang kinalaman sa isyu.

Kasunod ito ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na tumawag sa DPWH bilang isang “criminal syndicate” dahil sa umano’y mga iregularidad sa mga proyekto.

Dagdag pa ni Castro, puspusan ang imbestigasyon para matukoy ang mga tunay na may sala, malinis ang ahensya, at maituwid ang mga problema sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Facebook Comments