Malacañang, hindi na ikinagulat ang resulta ng isang survey na nais ng mga tao ang ‘Duterte-Duterte’ tandem sa 2022

Hindi na ikinagulat ng Malacañang ang resulta ng isang survey kung saan gusto ng mga botante ang ‘Duterte-Duterte’ tandem sa 2022 Elections.

Base sa survey na inilabas ng Publicus Asia, nanguna si Pangulong Duterte sa nais ng mga botante sa Visayas at Mindanao na maging susunod na Vice President, habang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay para sa pagkapangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nangyari na rin ito sa Davao City kung saan Alkalde ng lungsod si Mayor Sara habang Vice Mayor noon ang kanyang ama.


Sinabi pa ni Panelo, nakasalalay pa rin sa Pangulo kung pagbibigyan ang gusto ng mga botante.

Facebook Comments