Malacañang, hindi na magpapatupad ng work suspension sa gobyerno bukas

Hindi na magpapatupad ang Malacañang ng work suspension sa mga tanggapan ng gobyerno bukas, Nobyembre 11.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, “very unlikely” o malabo nang ipasuspinde ang trabaho dahil bumubuti na ang lagay ng panahon sa maraming lugar kasabay ng paghupa ng hagupit ng Bagyong Uwan.

Matatandaang naglabas ang Palasyo ng Memorandum Circular No. 106 na nagsuspinde ng trabaho sa mga ahensya ng gobyerno ngayong araw, lalo na sa mga rehiyong matindi ang tinamaan ng bagyo.

Gayunman, mananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas sa mga sumusunod na rehiyon:

▪️ National Capital Region (NCR)
▪️ Cordillera Administrative Region (CAR)
▪️ Region I hanggang Region V
▪️ Region VI, VII, VIII
▪️ Region IV-A, IV-B
▪️ Negros Island Region

Tiniyak din ng palasyo na mananatiling naka-alerto ang mga ahensya habang nagpapatuloy ang pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng bagyo.

Facebook Comments