
Hindi nababahala ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inilunsad na Reform Alliance for Good Governance and Accountability (RAGE) Coalition ng kampo ng mga Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi na papansinin ng pangulo ang maagang pamumulitika at hindi ito maaapektuhan ng mga personal na galit, interes, o ambisyon.
Sa halip, nakatutok aniya ang pangulo sa pagtugon sa epekto ng krisis sa Middle East, lalo na sa ekonomiya at presyo ng langis.
Binigyang-diin ng Malacañang na ang mas dapat bantayan ay ang paggamit ng isyu para magpakalat ng galit at maling impormasyon sa publiko.
Giit pa ng Palasyo, mas mahalaga ang trabaho at konkretong solusyon kaysa sa pulitika.
Facebook Comments










