Malacañang, hindi nababahala sa pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa World Press Index

Ipinagkibit-balikat lamang ng Malacañang ang pagbaba ng pwesto ng Pilipinas sa World Press Freedom Index ngayong taon.

Nabatid na bumaba ng dalawang pwesto ang Pilipinas sa 138th spot mula sa 180 bansa sa 2020 World Press Freedom Index sa harap ng umano’y pagre-red-tag at pag-atake sa mga mamamahayag.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dalawang pwesto lamang ang ibinaba ng bansa at wala naman silang nakikitang mali rito.


Binanggit ni Roque na nakaka-angat pa rin ang pwesto ng Pilipinas kumpara sa pwesto ng Myanmar, Cambodia, Brunei, Singapore, Laos at Vietnam.

Bagamat ito ang pinakamababang press freedom score sa ilalim ng Duterte Administration, sinabi ni Roque na kapantay pa rin ng ito ng naitalang score ng nakaraang administrasyon.

Iginiit din ni Roque na ang isyu na may kinalaman sa Rappler at ABS-CBN ay hindi dapat gawing dahilan para bumaba ang ranggo ng Pilipinas.

Facebook Comments