
Nirerespeto ng Malacañang ang plano ni dating Sen. Gringo Honasan na maghain ng petisyon sa International Criminal Court (ICC) para makauwi ng bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong Lunes, inanunsyoni Honasan ang plano nila ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na maghain ng petisyon sa ICC sa pamamagitan ng “people’s initiative” o pangangalap ng pirma mula sa mga taga-suporta ng dating Pangulo.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi sila nababahala dito dahil karapatan ng dating senador na kumilos o gumawa ng anumang hakbang para ipagtanggol si dating Pangulong Duterte.
Pero payo ni Castro, mas mabuting konsultahin muna ni Honasan ang legal team ni Duterte, dahil baka isnabin lang siya sa ICC.
Wala rin aniyang kailangang gawing hakbang o tugon ang gobyerno sa plano ng dating senador dahil walang responsibilidad ang gobyernong sumunod o makipagtulungan sa legal na sistema at proseso ng ICC.