
Hindi nakikitang banta ng Malacañang ang muling usapin ng pagpapalit ng liderato sa senado, kahit pa isang buwan pa lang mula nang magkaroon ng change of leadership mataas na kapulungan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, normal sa demokrasya at karapatan ng mga senador na pumili ng lider na nais nilang mamuno.
Binigyang-diin din ng palasyo ang pahayag ng senate leadership na nananatiling matatag ang institusyon sa kabila ng mga intriga.
Tiniyak din ng Malacañang na hindi madidiskaril ang legislative agenda ng administrasyon at inaasahan nitong uunahin ng mga senador ang interes ng taumbayan kaysa pansariling pulitika.
Facebook Comments









