Malacañang, hindi naniniwalang nalampasan na ng Pilipinas ang COVID-19 cases ng Indonesia

Hindi tinanggap ng Malacañang ang pagkokonsidera sa Pilipinas bilang bagong hotspot ng COVID-19 dahil nalagpasan na nito ang dami ng kaso ng Indonesia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ito totoo at kapani-paniwala.

Giit ni Roque, ang Indonesia ay tatlong beses na mas malaki sa Pilipinas.


Ang Pilipinas ay nakapagsagawa ng test sa 1.5% ng populasyon habang nasa 0.34% lamang sa Indonesia.

Dagdag pa ni Roque, nagawa ng Pilipinas na makapag-detect ng mas maraming kaso dahil sa agresibong testing.

Facebook Comments