
Deadma ang Malacañang sa mga patutsada ng kampo ng mga Duterte na credit grabber umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa natapos na Bucana Bridge sa Davao City.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi papatulan ng Palasyo ang mga banat na galing lang “sa tabi-tabi,” lalo pa’t malinaw na tungkulin ng pangulo ang tiyaking natatapos at napapakinabangan ng publiko ang mga proyekto.
Giit ng Malacañang, walang inaangkin si Marcos dahil natapos ang proyekto sa panahon ng kanyang administrasyon, at obligasyon niyang ipakita ito sa taumbayan.
Matatandaang umani ng batikos mula sa mga taga suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa tulay na iginiit nilang proyekto raw ng nakaraang administrasyon.
Nakatakdang buksan sa December 15 ang Bucana Bridge na nag-uugnay sa Barangay Bucana at Matina Aplaya na inaasahang magpapagaan sa trapiko at magbibigay-ginhawa lalo na ngayong Kapaskuhan.









