
Walang balak ang Malacañang na madaliin ang Interpol sa paghuli at pagpapauwi sa dating kongresistang si Zaldy Co.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Atty. Claire Castro, may naka-issue ng Blue Notice ang Interpol kaya mas mainam na hintayin ang susunod na hakbang ng mga awtoridad.
Sa ngayon, pakiusap pa lamang ang ginagawa ng Malacañang, kasabay ng hamon kay Co na umuwi at harapin ang kaso.
Giit ng Palasyo, kung naniniwala si Co sa kaniyang mga akusasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng umano’y budget insertions, mas mabuti itong panumpaan sa harap ng korte upang magkaroon ng bigat at kredibilidad.
Facebook Comments









