Malacañang, hindi sasampahan ng kaso si Zaldy Co

Walang planong kasuhan ng Malacañang si dating Congressman Zaldy Co sa kabila ng mga serye ng akusasyon nito laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa umano’y ₱100 bilyong “insertion” sa 2025 national budget.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi nababahala ang pangulo at wala ring pag-uusap sa Malacañang tungkol sa paghahain ng kaso laban kay Co.

Para sa Palasyo, hindi nakikitang kailangan pang sagutin ng presidente ang mga pahayag ng dating kongresista.

Ang Ombudsman aniya ang may kapangyarihang mag-imbestiga at magpasya kung may dapat managot.

Giit ni Castro, kung may pinaninindigan si Co, ay dapat siyang umuwi siya sa Pilipinas at patunayan ang kanyang paratang.

Sa pananaw ng Palasyo, puro ingay lang ang mga ibinabato ni Co, na mga alegasyong walang dokumento, walang ebidensiya, at walang kabuluhan kung hindi niya kayang patunayan.

Facebook Comments