Malacañang, hindi tiyak kung kailan ibabalik ang Sinopharm sa China

Walang katiyakan ang Malacañang kung kailan ibabalik ang 1,000 doses ng Sinopharm COVID-19 vaccines sa China.

Nabatid na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mga nasabing bakuna dahil wala pa itong regulatory approval.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi nila alam kung kailan ibabalik dahil sobrang bilis ng pangyayari.


Pero handa ang pamahalaan na palawakin ang COVID-19 vaccine portfolio nito, kabilang ang pagbili ng Sinopharm doses.

Binanggit din ni Roque ang pagbibigay ng World Health Organization (WHO) ng emergency use listing sa Sinopharm at ang Department of Health (DOH) na ang mismong nag-apply para sa emergency use authorization nito sa Food and Drug Administration (FDA).

Una nang naturukan ng first dose ng Sinopharm si Pangulong Duterte noong May 3.

Facebook Comments