Hindi hahadlang ang administrasyong Marcos sakaling magdesisyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko sa International Criminal Court (ICC).
Ito ang reaksyon ng Malacañang matapos hikayatin ni dating Pangulong Duterte sa Quad Committee hearing ngayong araw ang ICC na pumunta sa Pilipinas para sa kanilang imbestigasyon ng war on drugs.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi gagawa ng anumang hakbang ang pamahalaan para pigilan ang pagsasakatuparan ng huling ni Duterte.
Pero kung ang kaso ng dating pangulo ay ire-refer ng ICC sa International Police o Interpol, maaari itong magpadala ng red notice sa mga awtoridad sa Pilipinas.
Oras na mangyari aniya ito ay susunod at makikipagtulungan ang administrasyong Marcos sa Interpol alinsunod sa umiiral na patakaran.
Ang red notice ay ang iniisyu ng Interpol sa isang member state na tugisin at pansamantalang arestuhin ang isang indibidwal na wanted sa isang malaking krimen.