Malacañang, hinikayat ang Kongreso na amiyendahan ang procurement law

Umaasa ang Malacañang na aamiyendahan ng Kongreso ang Government Procurement Act para mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ito ang pahayag ng Palayang matapos manawagan ang mga Local Government Unit (LGU) kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-isyu ng Executive Order (EO) matapos mag-require ang ilang pharmaceutical firms tulad ng AstraZeneca ng 20% downpayment para sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bola ay hawak ng Kongreso dahil hindi maibibigay ng Executive Order ang hinihingi ng mga LGU.


Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na binabalangkas na nila ang draft certification na maaaring pirmahan ni Pangulong Duterte para sa urgent passing ng bagong batas na pinapayagan ang mga LGU na direktang bumili ng COVID-19 vaccines.

Sa ngayon, ang panukalang batas ay kapwa nakahain sa Kamara at Senado.

Facebook Comments