Malacañang, hinikayat ang mga media outlet sa pagpapakalat ng mga impormasyon hinggil sa COVID-19

Umapela ang Malacañang sa lahat ng media na tulungan ang gobyerno na ipabatid ang mga impormasyon hinggil sa COVID-19.

Kasunod ito ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Public Health Emergency dahil sa COVID-19 outbreak.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hinihikayat nila ang lahat ng media outlet na i-publish ang lahat statements ni Health Secretary Francisco Duque, advisories at health bulletins na inilalabas ng gobyerno kaugnay ng sakit.


Facebook Comments