Malacañang, hinikayat ang mga ospital na mag-avail ng DCPM pa singilin ang PhilHealth

Hinikayat ng Palasyo ng Malacañang ang mga ospital na mag-avail ng debit credit payment method (DCPM) para makasingil ng utang sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay kasunod ng pagkalas ng ilang pribadong ospital sa PhilHealth dahil sa hindi nababayarang claims.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang paraan para mabilis na mabayaran ng PhilHealth ang pagbabayad sa mga utang sa pribadong hospitals.


Aniya, mayroong ikalawang yugto ng bayaran sa ilalim ng DCPM ng PhilHealth at inihahanda na rin ang ikatlong yugto nito para mabilis na mabayaran ang mga hospital.

Sa ilalim ng DCPM, 60% ng utang ng Philhealth ang inisyal na babayaran habang hindi pa kumpleto ang mga dokumento ng ospital habang ang nalalabing 40% ay ibibigay kapag nakumpleto na ang pagproseso sa mga requirement.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na bayaran kaagad ang atraso sa mga hospital para hindi makompromiso ang pagpapagamot ng taumbayan.

Facebook Comments