Malacañang, hinimok ang mga pribadong kumpanya sa bansa na huwag magtanggal ng manggagawa na bigong makapasok sa trabaho

Hinimok ng Malakanyang ang mga pribadong kumpanya sa bansa na huwag tanggalin ang kanilang mga empleyado kapag bigong pumasok sa trabaho dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi dapat tanggalin ng mga employers ang kanilang empleydo lalo na’t kung dahil sa epekto ng COVID-19 sa bansa.

Hindi rin, aniya, dapat pwersahin ng mga ito ang kanilang empleyado na pumasok kung wala namang koneksyon ang trabaho ng mga ito sa frontliners, basic necessities o services.


Samantala, nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi pipiliting magtrabaho ang mga empleyado sa kasagsagan ng ECQ dahil sa COVID-19.

Paliwanag ni Bello, mandato sa quarantine ang pagtigil sa loob ng bahay at limitadong galaw sa kapaligiran.

Pwede rin, aniyang, gamitin ng mga empleyado ang kanilang leave credits para sa pag-absent.

Facebook Comments