Malacañang, hinimok na kondenahin ang patuloy na pagiging agresibo ng China sa WPS

Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Malacañang na kondenahin din ang patuloy na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Aniya, hindi na dapat hintayin pa ng gobyerno na may mangyaring mas malala bago pagsabihan ang Beijing na itigil ang ginagawa nito.

Sabi naman ni Senator Koko Pimentel, dapat nang magtatag ng “code of conduct” ang mga bansang may claims sa pinag-aagawang teritoryo upang hindi na maulit ang insidente.


Pero para kay Senator Jinggoy Estrada, kailangang pairalin ang diplomasya para tugunan ang pambu-bully ng China lalo’t hindi kaya ng Pilipinas na makipag-giyera.

Sinang-ayunan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang naging pahayag ni Estrada at pinayuhan ang Philippine Coast Guard (PCG) na i-maximize ang kanilang escape at evasion tactics sa gitna ng pangha-harass ng China.

Facebook Comments