Malacañang, humingi ng paumanhin sa delay na Sinovac vaccines delivery

Humingi ng paumanhin ang Malacañang sa delay na delivery ng Sinovac vaccines sa Pilipinas.

Nabatid na sa July 18 pa makakarating sa bansa ang susunod na batch ng Sinovac vaccines na nakapagpabagal sa vaccine rollout ng ilang mga lungsod.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapabilis ang pagdating ng mga bakuna sa bansa.


Umapela naman si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., sa publiko na habaan pa ang pasensya habang hinihintay ang pagdating ng mga bakuna.

Aabot sa 30 millon doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang matatanggap ng Pilipinas mula Hulyo hanggang Agosto.

Facebook Comments