Malacañang, idineklarang special non-working day ang February 9 para sa selebrasyon ng Chinese New Year

Idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang February 9, araw ng Biyernes, bilang special non-working day sa buong bansa.

Sa Proclamation No. 453 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ni Executive Secretary Lucas Bersamin, idineklarang special non-working day ang naturang araw para sa selebrasyon ng Chinese New Year sa February 10, araw ng Sabado, at para matamasa ng publiko ang long weekend.

Iniutos naman ng Palasyo sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kaukulang sirkular sa pagpapatupad ng proklamasyon para sa pribadong sektor.


Facebook Comments