Malacañang, iginagalang ang inilatag na polisiya ng DOH sa pagpapa-unlak ng panayam sa media

Nirerespeto ng Malacañang ang inilabas na bagong polisiya ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pagpapaunlak ng panayam ng kanilang mga ospiyal ng isang media entity.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may kani-kaniyang polisiya na ipinatutupad ang bawat tanggapan kung saan wala namang magiging problema kung magsasagawa ng schedule o pagtakda ng petsa sa pagsasagawa ng interview sa mga ospiyal ng DOH.

Dagdag pa ni Roque, wala siyang alam sa inilabas na polisiya ng DOH tungkol sa pagtatakda ng interview sa kanilang mga opisyal ngunit iginiit nito na regular din naman daw nagbibigay ng update ang DOH.


Ito ay sa pamamagitan ng tagapagsalita ng DOH na si Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na sumasagot naman sa mga katanungan sa kaniyang regular presser.

Nabatid na sa inilabas na panuntunan ng DOH, kailangan munang magsumite ng request letter for interview ang isang media entity, dalawang araw bago ang nakatakdang petsa na plano nitong panayam.

Facebook Comments