“Gumagana ang justice system sa Pilipinas.”
Ito ang pahayag ng Malacañang matapos ang ulat ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ipinapakita ng pahayag ni Sec. Guevarra na seryoso ang gobyerno sa pag-iimbestiga at pagpapanagot ang mga alagad ng batas na nagkasala o may kapalpakan sa operasyon laban sa iligal na droga.
Aniya, ang gumaganang domestic legal system ay rason para hindi dapat manghimasok ang ibang institusyon.
“That proves that our domestic legal system is working at hindi po dapat manghimasok ang ibang institusyon. Bigyan po natin ng pagkakataon ang ating mga legal system na gumana ngayong may ganyan na pong transparency at open-mindedness sa parte po ng no less than, our Secretary of Justice.” ani Roque
Kabilang din sa mga inulat ni Guevarra sa UNHRC na ang mga armas na umano’y ginamit ng mga napatay na suspek sa gitna ng operasyon kontra iligal na droga ay hindi sinuri at hindi binerepika ang pag-aari ng mga ito.
Gayundin ang hindi pagsunod ng mga pulis sa panuntunan sa operasyon.