Malacañang, iginiit na hayaan si Pangulong Duterte na ipatupad ang foreign policy ng Pilipinas sa WPS

Nakiusap ang Malacañang kina dating Supreme Court Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na itigil ang kanilang “illegal”, “impractical”, at “irresponsible” na mga pahayag patungkol sa isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hayaan si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang trabaho nito bilang chief architect ng foreign policy ng bansa.

Sabi ni Roque na ang mga pahayag nina Carpio at Del Rosario ay hindi nakakatulong para sa bansa.


Dagdag pa niya, ang gusto ng mga kritiko ay ipatupad ang “all or nothing policies”, pero nakaukit na aniya sa kasaysayan na ang sinumang bansang magpapatupad nito ay walang makakamit o mauuwi lamang sa pagkikipaggiyera.

Mali rin sina Carpio at Del Rosario dahil ang Pilipinas ay mayroong territorial at maritime claims at entitlements sa West Philippines Sea na inaangkain din ng iba pang bansa.

Ang mga usaping ito ay mareresolba sa pamamagitan ng mapayapa at legal na paraan.

Alam ni Pangulong Duterte ang kahihinatnan kung magiging agresibo ang Pilipinas sa isyu sa West Philippines Sea kaya may pinipili niya ang polisiyang maingat, kalkulado, at calibrated.

Pakiusap ng Palasyo kina Carpio at Del Rosario na itigil na ang panlilinlang sa mga tao.

Facebook Comments