Tahasang itinanggi ng Palasyo na iniimpluwensiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga isinasagawang imbestigasyon sa Philippine Health Insurance Corporation ( PhilHealth).
Kasunod ito ng muling pagsalag ng Pangulo kay Health Sec. Francisco Duque III sa talumpati nito kagabi dahil wala pa itong nakikitang ebidensya o sapat na basehan para patalsikin sa pwesto si Duque.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, abogado ang Pangulo kung kaya’t naniniwala ito sa presumption of innocence o “innocent until proven guilty”.
Sinabi pa ni Roque na ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nananatili aniyang buo ang suporta at tiwala ng Pangulo kay Duque.
Pero magkagayunman, saka-sakaling may makitang ebidensiya ang binuo nitong Task Force PhilHealth laban kay Duque, ay ibang usapan na ito tulad ng pagsasampa ng kaso laban kay dating PhilHealth Chief Ricardo Morales kung saan nirespeto naman nito ng Pangulo kahit pa kaibigan niya si Morales.