Friday, February 20, 2026

Malacañang, iginiit na hindi pa panahon ng pag-eendorso sa Halalan 2028

Tinawag ng Malacañang na ‘irrelevant’ o hindi pa napapanahon at hindi mahalaga sa ngayon ang maagang pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte ng planong pagtakbo sa 2028.

Ito ang tugon ng Palasyo sa tanong kung ito na ba ang “moment of truth” para malaman kung sino ang kakampi ng bise presidente at sino ang mananatili sa administrasyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi politika ang dapat pagtuunan ng pansin kundi trabaho.

Wala rin aniyang saysay ang pagkakampihan o paghahati-hati sa hanay ng mga lider at kawani ng gobyerno.

Giit ng Palasyo, malinaw ang direksyon ng pangulo na tutukan ang pag-angat ng ekonomiya, solusyon sa pagbaha, at mas maraming trabaho para sa Pilipino.

Facebook Comments