Malacañang, iginiit na hindi sasagutin ng gobyerno ang COVID-19 mass testing sa mga pribadong manggagawa

Nilinaw ng Malacañang na hindi sasagutin ng pamahalaan ang gastos para sa pagsasagawa ng COVID-19 mass testing sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sapat ang resources ng pamahalaan para gawin ito.

Aniya, kulang pa ang RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) Testing Laboratories sa bansa.


Nagkakaubusan din ng Testing Kits sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Patuloy pa rin aniyang itinataas ng pamahalaan ang kapasidad ng bansa sa pagsasagawa ng mass testing.

Ipinapaubaya na ng Palasyo sa pribadong sektor o sa mga kumpanya ang pagsasagawa ng COVID testing sa kanilang mga empleyado.

Una nang nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na kailangang isailalim sa mass testing ang mga manggagawa kung hindi naman ito nakikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments