Malacañang, iginiit na kailangang i-edit ang ilang bahagi ng public address ng Pangulo

Iginiit ng Malacañang na kailangang i-edit ang public address ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil may ilang bahagi nito ang hindi maaaring isapubliko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ine-edit ang public addresses ng Pangulo bago ito i-broadcast dahil isinasagawa ito habang mayroon siyang meeting kasama ang ilang miyembro ng gabinete.

Binigyang diin ni Roque na mayroong executive privilege.


Mula nang tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas, dalawang public speech pa lamang ang naibigay ng Pangulo – isa ay nagtalumpati siya sa mga miyembro ng Philippine Army noong Hulyo at ang ikalawa ay ang kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Facebook Comments