Malacañang, iginiit na kailangang magkaroon ng universal vaccination certificate

Iginiit ng Malacañang na kailangang magkaroon ng international agreement para sa isang standard certificate para hindi mahirapan ang mga bansa na i-authenticate ang COVID vaccination cards.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang mga Pilipinong fully vaccinated na makapasok sa bansa at sumailalim sa isang linggong facility-based quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon kasi ay wala pang kasunduan sa buong mundo sa kung paano beberipikahin ang vaccine cards.


Kaya kailangang magkaroon ng pandaigdigang kaunsudan na siyang lilikha ng isang standard certificate lamang.

Pagtitiyak naman ni Roque na patuloy na pinag-aaralan ng IATF ang arrival protocols para sa mga nabakunahan.

Facebook Comments