Nilinaw ng Palasyo ng Malacanang na hndi talaga kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatatag sa International Criminal Court o ICC.
Paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salavador Panelo hindi pag-kalas ang tamang termino na gamitin dahil simula pa lamang ay hindi na naging bahagi o napasailalim ang Pilipinas ng ICC.
Sinabi ni Panelo na hindi naging bonding ang pagpirma ng Pilipinas sa Rome Statute dahil hindi naman ito naratipikahan ng Senado at nai-publish sa pahayagan sa bansa sa makatuwid, hindi ito dumaan sa tamang proseso.
Nilinaw ni Panelo na ang ginawa ng Pilipinas ay nagpadala lamang mg notice sa United Nations na nagsasabi na wala itong hurisdiksyon sa bansa at hindi notice para sa pagkalas dito.
Binigyang diin ni Panelo na tama ang paninindigan ni Panulong Rodrigo Duterte na kailanman ay hindi kasama ang Pilipinas sa hurisdiksyon ng ICC dahil walang bisa ang pagpirma ng Pilipinas sa Rome Satatute.